P50,000 ibibigay ng OWWA para sa uuwing OFWs mula Israel

May alok na P50, 000 na repatriation  package ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa  overseas  Filipino workers (OFWs) na nais nang umuwi ng Pilipinas dahil sa gulo sa Israel. Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, ito ay para makapiling na ng mga OFW ang kani-kanilang pamilya. Kasabay nito, naglunsad ang OWWA ng assistance programs para sa mga OFW at bibigyan din ng  ang mga OFW ng airport at transportation assistance Sagot na rin ng OWWA ang gastos ng mga OFW sa hotel sa Manila sakaling hindi agad na makauwi sa kani kanilang probinsya mula sa Israel. Sabi ni Ignacio, batid niya ang hirap at gastos sa pag-uwi ng mga OFW. Inilunsad na rin ng OWWA ang Balik Pinas, Balik Hanap-buhay program kung saan bibigyan ng livelihood program ang mga OFW.

Read more...