83 pamilyang nasunugan sa Quezon City, inayudahan

 

Binigyan ng pinansyal na ayuda ni Quezon City Joy Belmonte ang 83 pamilyang nasunugan sa Barangay Msambong, Holy Spirit, Pansol, Novaliches Proper, at Krus na Ligas.

Ayon kay Belmonte, tig P10,000 ang ayuda sa mga nasunugang house owner habang P5,000 naman para sa mga renter at sharer.

Bukod sa pinansyal na ayuda, binigyan din ng ayuda ni Belmonte ang mga nasunugan ng material assistance at food packs.

Sabi ni Belmonte, nakahanda ang lokal na pamahalaan na umagapay sa mga nasunugan para makabangong muli.

Nagpasalamat naman ang mga residente sa tulong ng lokal na pamahalaan.

 

Read more...