JV: Kailangan ng BFAR ng mga resupply vessels para sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS
By: Chona Yu
- 1 year ago
Nakita ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang pangangailangan para sa karagdagang sea assets ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).Sinabi ni Ejercito na napakahalaga ng MCS patrol vessels ng BFAR dahil nakakatulong ang mga ito sa mga mangingisdang Filipino na nangangailangan ng petrolyo at pagkain habang nasa laot, kasama na sa West Philippine Sea (WPS).Ayon naman kay BFAR Dir. Demosthenes Escoto malaki ang pangangailangan nila para sa mga bagong sea assets dahil maramin sa kanilang mga sasakyang-pandagat ay luma na, bukod pa sa hindi lahat ay nagagamit at ang ilan pa ay nangangailangan ng “repairs.”Aniya may hirit na sila para sa kanilang “re-fleeting program” na maaring ikasa sa susunod na 10 taon.Dagdag pa ni Escoto ang kanilang ay magkaroon ng tatlong bagong barko kada dalawang taon at ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P150 milyon hanggang P200 milyon.Pagdidiin ni Ejercito hindi dapat hayaan na Chinese militia vessels ang makinabang ng mga yamang-dagat sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.“I think our fishermen should be the one taking advantage of that area…of that vast marine resources,” wika ng senador.Dagdag na lamang din ni Ejercito na mabigyan ng “secret fund” ang kawanihan para mapangalagaan ang karagatan ng bansa at makapagbigay sa mga mangingisdang Filipino na nasa laot.