17 Filipino mula Israel, uuwi na sa bansa ngayong araw
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Mamayang hapon darating sa bansa ang 17 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).Sakay ang OFWs ng Etihad Airlines at lalapag sila sa NAIA Terminal 3 ng alas-3:55 ng hapon.Sasalubungin sila ng mga opisyal ng kagawaran, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).Sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na walo sa 17 ay mula mismo sa southern Israel, kung saan isinagawa ng militanteng Hamas group ang sorpresang pag-atake, at minabuti na lamang ng OFWs na umuwi ng Pilipinas dahil nawalan sila ng trabaho.Dagdag pa niya, ang 135 Filipinos na kasalukuyang nasa Gaza Strip ay nasa ligtas na kalagayan at 78 ang naghihintay na lamang na makatawid ng Egypt.