Red tide sa ilang lugar, ibinabala ng BFAR

 

Positibo sa paralytic shellfish poison o toxc red tide ang ilang lugar sa bansa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, positibo sa red tide ang Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz, Mambuquiao at Camanci, sa Batan sa Aklan); coastal waters ng Pilar; President Roxas; Roxas City sa Capiz; coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain sa lahat ng uri ng shelfissh at Acetes sp. o alamang na nakukuha sa mga nabanggit na lugar.

Gayunman, ligtas naman na kainin ang isda, pusit, hipon, alimango basta siguraduhin lamang na maayos ang pagkakahugas at pagkakaluto.

Kailangan din na tanggalin ang hasang at kaliskis bago lutuin.

 

Read more...