Isang oras matapos ang “hacking” sa website ng Kamara, ilang beses sinubukan na gawin din ito sa website ng Senado.
Ito ang ibinahagi ni Senate Sec. Renato Bantug Jr., at aniya agad nilang pinagtibay ang kanilang “cybersecurity measures.”
“Per our IT, we recorded a spike in attacks last Sunday,” aniya.
Ayon pa kay Bantug nang malaman nila ang insidente sa website ng Kamara agad na gumawa ng “adjustments” ang kanilang tech team bukod sa kanilang “firewall.”
Samantala, sadyang hindi muna pinagana ang website ng Kamara ngayon araw matapos maobserbahan ang mga “hacking attempts.”
“We regret to inform the public that the official website of the House of Representatives has been voluntarily taken off once again. Despite our recent enhancements, we have detected suspicious and unusual activities that necessitate further scrutiny,” ang pahayag ng Kamara.