Umabot sa P427 bilyong foreign investment approvals ang nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa mga pagbiyahe sa abroad mula Enero hanggang Setyembre 2023.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Department of Trade and Industry Undersecretary Cefereno Rodolfo, mas mataas ito ng 4,150 percent kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Nabatid na nasa P734 bilyon ang nakuhang foreign investment mula Enero hanggang Setyembre.
Sabi ni Rodolfo, ang Germany, Japan at South Korea ang may pinakamalaking investment sa Pilipinas.
Karamihan aniya sa mga negosyong pinasok ng mga dayuhan ay sa renewable energy.
Sabi ni Rodolfo, ang pagtanggal sa foreign equity restrictions ang isa sa mga dahilan kung kaya marmaing dayuhang negosyante ang pumasok sa Pilipinas.
Umabot sa 10 foreign trips ang ginawa ng Pangulo mula Enero hanggang Setyembre.
Bibiyahe rin ang Pangulo sa Oktubre 19 hanggang 20 sa Riyadh, Saudi Arabia para dumalo sa Asean-Gulf Cooperation Council.