Pangulong Marcos nagpapagawa ng 40 barko para sa pagpatrolya kabilang na sa West Philippine Sea

 

Nagpapagawa na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng 40 piraso na 15-meter patrol vessels.

Sa ika-126 anibersaryo ng Philippine Coast Guard sa Port Area sa Manila, sinabi ni Pangulong Marcos na gagamitin ang mga barko sa pagpapatrolya sa mga karagatan kabilang na sa West Philippine Sea.

Sabi ni Pangulong Marcos, sa Cebu ginagawa ang mga barko.

Bahagi rin aniya ito ng pagpapataas ng kapabilidad ng Pilipinas para adepensahan ang maritime sovereign territory.

Hindi lang aniya ang equipment ang kailangan na i-upgrade kundi maging ang training at kapabilidad ng mga tauhan lalo na ng PCG.

Sabi ng Pangulo, hindi lang kasi ang problema sa West Philippine Sea ginagamit ang PCG kundi maging sa search and rescue, maritime incidents pati na ang disaster assistance.

Maswerte aniya ang Pilipinas dahil maraming basa ang tumutulong para pagandahin ang PCG.

Sinabi naman ni PCG spokesman Commodore Armand Balilo na walong barko na ang natatapos na ipagawa.

 

Read more...