“Safe passage” palabas ng Gaza bubuksan na – DFA

Anumang oras ngayon araw ay maaring buksan na ang “safe passage” para sa mga naiipit sa Gaza na mga Filipino patungo sa Egypt.

Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega at aniya nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Israel sa mga awtoridad sa Egypt para mabuksan ang Rafah border crossing, ang tanging daan sa Palestine palabas ng Gaza.

Dagdag pa ni de Vega na ito na lamang ang pinaplantsang gusot sa planong pagpapalabas ng mga Filipino para sa kanilang kaligtasan.

Nangangamba lamang ang dalawang bansa na makatakas ang mga miyembro ng militanteng Hamas group at makapasok din sila ng Egypt.

May 131 Filipino ang nasa Gaza Strip sa ngayon ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Read more...