Villar: Napakahalaga ng mga magsasaka, mangingisda sa food security

OSCAV PHOTO

Seguridad sa pagkain ang isa pa sa malaking hamon na dapat agad tugunan ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Sen. Cynthia Villar sa paggunita  sa World Bread Day, World Food Day at World Pandesal Day.

“A food-secured country has sufficient food at all times and its people are capable to obtain this to lead an active and healthy life,” ani Villa.

Paliwanag nito, sa patuloy na paglago ng populasyon ang  mga pangangailangan ng tao  ay nahaharap din sa iba pang hamon gaya ng climate change, kakulangan ng kompetisyon sa produksyon, mahinang teknolohiya, at kakulangan sa kakayahan, financial access at mechanization.

“These should  all be placed in order-rice production, fishing, and production of livestock and poultry, vegetables and fruits which are needed to cope up with the challenges. We need to uplift our farmers and fishermen from poverty by means of enough earnings from their job,” dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture and Food.

Ayon kay Villar, bayani ang ating mga magsasaka at mangingisda kaya kailangang suportahan sila sa pamamagitan ng mahahalagang polisiya at batas.

Ngayon 19th Congress, isinulong ni Villar ang pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Law, Salt Industry Development Act,  Livestock Poultry and Dairy Development Law at Yellow Corn industry Development Act na magiging kapaki-pakinabang sa agrikultura ng bansa.

Kaugnay nito, nanawagan siya sa pinagsama-samang pagpupursige upang tulungan  ang ating mga magsasaka at mangingisda para patuloy na mabigyan tayo ng pagkain.

Read more...