MANIBELA president Mar Valbuena, Panganiban inireklamo ng cybercrime

Sinampahan ng cybercrime complaint ni Transportation Secretary Jaime Bautista si MANIBELA president Mar Valbuena at ang mamamahayag na si Ira Panganiban.

Inihain ni Bautista ang reklamo sa Department of Justice at tinanggap ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty.

Nag-ugat ang reklamo ni Bautista sa mapanirang pahayag ng dalawa na tumanggap umano siya ng pera at suhol.

“I cannot allow myself to be the subject of another’s desperate attempt to attain fame, especially when malicious, baseless, and untruthful statements are hurled against me, if only to put a blemish a blemish on my untarnished track record and reputation of excellence and integrity,” pahayag ni Bautista.

Paglabag sa Article 355 in relation to Article 353 ng Revised Penal Code of the Republic Act 10175 o Cyber Crime Prevention Act ang pinagbasehan ni Bautista.

Nanindigan pa si Batutista na na hindi niya sisirain ang kanyang pangalan dahil lamang sa suhol.

“For the record, I have never received any bribe of some sort, much less used any amount of money to maintain my position as Secretary of the DOTr,” pahayag ni Bautista.

 

 

Read more...