1,252 bagong COVID 19 cases sa bansa naitala ng DOH

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) ang bahagyang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID 19 sa bansa sa nakalipas na isang linggo. Sa inilabas na case bulletin ng DOH, karagdagang 1,252 ang tinamaan ng nakakamatay na sakit noong Oktubre 9 hanggang Oktubre 15. Kayat ang bagong average daily count ay 179 na mababa ng isang porsiyento kumpara sa naitala naman sa sinundan na isang linggo. Sa mga bagong kaso, 20 ang napa-ulat na kritikal o malubha ang kalagayan. Nakapagtala ang 12 nasawi sa sakit at lima ay nangyari mula Oktubre 2 hanggang Oktubre 15.  

Read more...