Hiniling ng Magdalo Group kay Pangulong Marcos Jr., na hayaan ang International Criminal Court (ICC) na maimbestigahan ang “extra judicial killings” (EJKs) noong termino ni dating Pangulong Duterte bilang alkalde ng Davao City.
Ang hirit ng grupo, na pinamumunuan ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, ay bunsod nang pag-amin ni Duterte na ginastusan niya ang EJKs sa kanyang lungsod.
Ginawa ni Duterte ang pag-amin sa isang panayam sa kanya sa telebisyon at aniya ang ginamit niya ay ang kanyang confidential fund bilang alkalde ng lungsod.
“We, the Magdalo group, are urging the Marcos administration to allow the ICC investigators into the country in order to make… Duterte accountable for his crimes against humanity,” ang pahayag ng Magdalo.
Ang mga pagpatay ay isinagawa diumano ng Davao Death Squad (DDS).