May pasok sa Quezon City ngayong araw

Walang  city-wide na suspensyon ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City ngayong araw. Ito ay sa kabila ng ikinasang tigil pasada ng transport group na Manibela. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang hakbang na ito ay base  sa rekomendasyon ng mga kaukulang ahensya ng Quezon City Government, ng DepEd Quezon City Schools Division Office, at ng Quezon City Police District. Pero ayon kay Belmonte, ipinauubaya sa bawat pribadong paaralan o kolehiyo, na magdesisyon sa class suspension kung kinakailangan. Magpapakalat ng karagdagang libreng sakay ang QCity Bus sa mga rutang posibleng maapektuhan ng tigil-pasada. Bukod dito, mayroong  libreng sakay  ang mga barangay, QCPD, DPOS at iba pang ahensya, kung ito ay kakailanganin. May ipapakalat na tauhan ang QCPD sa ibat ibang lugar para matiyak na maayos ang tigil pasada at siguruhin ang kaligtasan ng mga apektadong pasahero.

Read more...