36 Chinese POGO workers ipina-deport

 

Tatlumpot anim na Chinese nationals ang ipina-deport ng Pilipinas.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operator (POGO) ang mga ipina-deport na Chinese nationals.

Naaresto ang 36 sa scam hub sa Pasay City may ilang buwan na ang nakararaan.

Sakay ng Royal Air ang 36 Chinese nationsl at ibabalik sa China.

Una nang ipinadeport ng PAOCC ang POGO workers na 75 Chinese at 14 Malaysian nationals.

Blacklisted na ang mga dayuhan na makabalik ng Pilipinas.

 

Read more...