Villanueva kinuwestiyon “timing” ng “positive drug use” ni Justin Brownlee

Nagdududa si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa “timing” ng paglabas ng positibong resulta sa drug-use ni Gilas naturalized player Justin Brownlee.   “I dont know, whether it’s the timing, whether its whoever is in charge of the Asian Games. Bakit ganun?” ani Villanueva.   Pagtatanggol niya kay Brownlee, hindi siya maniniwala na magagawa ng naturalized Filipino na ikompromiso ang kanyang kredibilidad.   Apila lamang din ng senador na huwag agad husgahan si Brownlee at huwag din aniya agad paniwalaan ang resulta.   Umaasa lamang si Villanueva na walang kinalaman sa nasungkit na gintong medalya sa men’s basketball sa katatapos na Asian Games ang pagpapalabas ng drug result.   Nakuha muli ng Pilipinas ang gintong medalya makalipas ang 61 taon.   Samantala, hindi din naniniwala si Sen. Francis Tolentino na magagawa ni Brownlee ang tumira ng “banned substance.”   Tiwala din si Tolentino na dahil sa pangyayari mas magiging matibay ang Gilas Pilipinas dahil hindi pa aniya lumalabas ang katotohanan na bumabalot sa isyu.

Read more...