Hamas isusulong ng NSC na ideklarang terrorist organization

 

Itinitulak ni National Security Adviser Eduardo Año nag awing terrorist organization ang militanteng grupong Hamas.

Pahayag ito ni Año matapos ang ginawang pag-atake ng Hamas sa Gaza Strip sa Israel kung saan dalawang Filipino na ang nasawi.

“In solidarity with the people of Israel, we will push for the designation of Hamas as a terrorist  organization  under  RA  11479  as  a  priority  agenda  of  the  Anti-Terrorism Council,” pahayag ni Año.

Sabi ni Año, mariing kinokondena ng National Security Council ang ginawa ng Hamas.

Nakiramay din si Año sa mga pamilyang naulila ng dalawang Filipino.

“This  was  a  deadly  and  barbaric  terrorist  assault  on  Israel  targeting  its  civilian population and Israel has every right, as much as any nation, to defend and protect itself from this attack,” pahayag ni Año

“Together with President Ferdinand R. Marcos, Jr., we hope for a swift resolution to this conflict, we pray for the safety of innocent civilians, and we offer our thanks to the Government of Israel for its efforts to protect our citizens,” dagdag ng kalihim.

 

 

 

Read more...