Gagamit na ang Bureau of Immigration ng mga body camera bago matapos ang taong 2023.
Ayon kay BI spokesman Dana Sandoval, pino-proseso na ngayon ang pagbili ng mga body camera.
Umaasa si Sandoval na dahil sa mga body camera, malaki ang maitutulong nito para mamonitor ang ginagawa ng mga personnel.
Sabi ni Sandoval, bahagi ito ng pagpapatupad ng accountability at magsilbi ring babala laban sa mga iligal na gawain ng kanilang airport inspectors.
Umaasa si Sandoval na sa pamamagitan ng mga body camera ay maiiwasan na ang mga reklamo laban sa kanilang mga tauhan o hindi magandang pakikitungo ng mga ito sa mga pasahero.
Magagamit din aniya ang mga kuhang footage sa body camera para sa mga gagawing imbestigasyon sa alinmang insidenteng mararanasan ng kanilang mga kawani at mga pasahero sa hinaharap.