Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang Calaca, Batangas kaninang 8:24 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 14 kilometro.
Naramdaman ang Instrumental Intensity V sa Lemery, Batangas.
Instrumental Intensity IV sa Cuenca, Bauan, Sta. Teresita, at San Luis, sa Batangas; Tagaytay City, Cavite; at Muntinlupa City.
Instrumental Intensity III sa Laurel, Batangas City; Tagaytay City, Cavite; at Dolores, Quezon.
Instrumental Intensity II sa Talisay, at Rosario, Batangas; Magallanes, Cavite; Boac, Marinduque; Las Pinas City, Pasay City; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Mauban, Polillo, at Gumaca, Quezon; Taytay, Antipolo, Rizal.
Instrumental Intensity I sa Dinalupihan, Bataan; Malvar, Batangas; Malolos City, at Guiguinto, Bulacan; Ternate, Cavite; San Pablo, Laguna; Malabon City, Pateros, San Juan City, Paranaque City; Abra De Ilog, at Mamburao, Occidental Mindoro; Lucban, Lucena City, at Alabat, Quezon; Tanay, Rizal.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.
Asahan na rin na may nasirang mga ari-arian.