BOC officials, pinagbibitiw ni Agap Partylist Rep. Briones

 

 

Pinagbibitiw na ni Agap Partylist Representative Nick Briones ang mga opisyal ng Bureau of Customs.

Ito ay dahil sa bigo ang mga opisyal ng BOC na sugpuin ang talamak na smuggling sa bansa.

Ayon kay Briones, mas makabubuting kusang magbitiw na sa puwesto ang mga opisyal ng BOC at huwag nang hintayin na sibakin pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nakadidismaya ayon kay Briones dahil saka lamang nanghuhuli ang BOC kapag nagbibigay ng babala si Pangulong Marcos.

Kumikilos din aniya ang BOC kung nakahuhuli na ng mga smuggled goods ang ibang ahensya tulad ng Department of Agriculture.

Sabi ni Briones, may binubuo ngayong task force ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan para malabanan ang smuggling. Pero hindi aniya kasama sa task force ang BOC.

 

 

 

Read more...