LTFRB OIC itinalaga

 

Itinalaga ni Transportation Secretary Jaime Bautista si Mercy Paras Leynes bilang officer-in-charge ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Pupunan ni Leynes ang puwesto ni dating LTFRB chairman Teofilo Guadiz na una nang sinuspendi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa isyu ng korupsyon.

Si Leynes ay kasalukuyang board member ng LTFRB.

Base sa Special order No. 2023-353 na pinirmahan ni Bautista, magsisilbing OIC si Leynes simula ngayong araw, Oktubre 10, 2023 hanggang Oktubre 9, 2024.

 

 

 

Read more...