Imprastraktura ng Hamas, target ng Israel

 

Sentro na ngayon ng pag-atake ng Israel ang mga imprastraktura na pinagkukutaan ng teroristang Hamas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Israel Ambassador to the Philippine Ilan Fluss na kailangan na gibain na ang mga imprastraktura ng Hamas para mapahina ang puwersa nito.

Sa ganitong paraan, maiiwasan na ang mga pag-atake ng ng teroristang grupo.

Sabi ni Fluss, pinaghahandaan na ngayon ng Israel ang pagdedeklara ng giyera.

Kinumpirma ni Fluss na nasa 100 katao ang bihag ngayon ng Hamas.

Gayunman, hindi matukoy ni Fluss ang nationality ng mga bihag.

Pitong Filipino aniya sa Israel ang patuloy pang pinaghahanap ngayon.

Isa sa mga demand ng Hamas ay pakawalan ng Israeli forces ang kanilang mga kasamahan na nakakulong ngayon.

 

Read more...