Confidential fund ng DA nais ni Tulfo na maibigay sa NBI

 

Kung siya ang masusunod, ililipat na lamang ni Senator Raffy Tulfo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang confidential fund ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ito ni Tulfo sa deliberasyon sa pondo sa susunod na taon ng Department of Justice (DOJ).

Pagbabahagi ng senador, nang talakayin sa Senado ang 2024 budget ng DA, inusisa niya ang pinagkakagastusan ng P50 million confidential fund ng kagawaran.

Ang nakuha niyang sagot at gagamitin ito sa kampaniya laban sa smuggling.

Ngunit diin ni Tulfo, ito ay bahagi na ng mandato ng Bureau of Customs, NBI at PNP.

Kayat ninais nito na tapyasan ang secret fund ng DA at ibahagi ito sa law enforcement agencies.

Read more...