Senyor Agila, 3 pa delikadong makulong hanggang sa Nobyembre

Nagbabala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na maaring manatili sa kustodiya ng Senado hanggang Nobyembre si Jay Rence Quilario alias Senyor Agila at tatlong iba pang kinilalang opisyal ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI), na nakabase sa Socorro, Surigao del Norte. Ayon kay dela Rosa, posible ito kung patuloy na magsisinungaling si Quilario sa pagpapatuloy ng joint hearing ng pinamumunuan niyang Committee on Public Order at Committee on Children and Women ni Sen. Risa Hontiveros. Dagdag pa ng senador pag-uusapan sa mga komite ang sitwasyon ng mga opisyal ng sinasabing isang kulto dahil na rin na-ospital pa si dating Socorro Mayor Mamerto Galanida sa kalagitnaan ng unang pagdinig noong nakaraang linggo. Ang Department of Justice (DOJ) sinabi na maaring abutin din hanggang Nobyembre ang pagsasampa ng mga reklamo  dahil sa mga nagsulputan na bagong reklamo laban sa mga namumuno sa SBSI.

Read more...