Pamumunuan ng grupong Manibela ang isasagawang transport strike sa darating na Oktubre 16.
Sinabi ni Manibela chairman Mar Valbuena ang tigil-pasada ay bunsod ng anila’y korapsyon sa pag-apruba ng prangkisa para sa public utility vehicles (PUVs).
Ibinahagi nito na nangako na ang kanilang mga miyembro mula sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon na makikibahagi sa binabalak na tigil-pasada.
Aniya ang mga ito ay mga operators at drivers ng jeepney, UV Express units at multicabs.
Sinabi nito na ang ang tigil-pasada ang pinakamalaki na kahaharapin ng gobyerno at aniya magsasagawa din sila ng kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of Transportation, gayundin sa Malakanyang.
Nilinaw naman niya na hindi nila kinakalaban ang gobyerno kundi ang korapsyon.