Bilang ng mga Filipino na walang trabaho, nabawasan

 

Nabawasan ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa bansa noong buwan ng Agosto.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 2.21 milyon na lamang ang walang trabaho, mas mababa ito kumpara sa 2.27 milyon na walang trabaho noong Hulyo.

Mas mababa rin ito kumpara sa 2.68 milyon na Filipino na walang trabaho oong Agosto 2022.

Sinabi naman ng Presidential Communications Office na nanatiling positibo ang galaw ng labor force sa bansa.

“Nanatiling positibo ang galaw ng labor market ng bansa nitong Agosto 2023 sa naitalang 4.4% na pagbaba ng unemployment rate kumpara sa 5.3% sa parehong buwan ng 2022. Katumbas ito ng bawas na 468,000 sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Nasa 11.7% naman ang underemployment rate, mas mababa rin sa 14.7% noong Agosto 2022,” pahayag ng PCO.

 

 

Read more...