100 katao patay sa drone attack sa Syria

Patay ang may 100 katao matapos ang drone attack sa Syrian military academy.

Ayon sa ulat, mahigit 200 katao ang nasugatan at isinugod sa ospital.

Nabatid na nagsasagawa ng graduation ceremony ang mga kadete nang maganap ang pag-atake.

Kabilang sa mga nasawi ang mga babae at anim na bata na mga kaanak ng mga kadete.

Wala pa namang grupo ang umaako sap ag-atake.

 

 

 

 

Read more...