Eumir Marcial nakasungkit ng silver medal sa Asian Games

 

Talo ang Filipino boxer na si Eumir Marcial sa China sa final match ng 80 kg division sa 19th Asian Games na ginaganap sa Hangzhou.

Dahil dito, silver medal na lamang ang maiuuwi ni Marcial nang talunin ni Tanglatihan Tuohetaerbieke ng China.

Una nang tinalo ni Marcial si Ahmad Ghousoon ng Syria sa semifinals.

Tinalo rin ni Marcial si Weerapon Jongjoho ng Thailand sa quarterfinals.

Matatandaan na nasungkit ni Marcial ang gintong medalya noong 2022 Southeast Asian Games.

 

Read more...