Kalakalan at agrikultura ng Pilipinas at Namibia, paiigtingin

 

(Photo courtesy: PPA)

Nagkasundo ang pamahalaan ng Pilipinas at Namibia na palakasin pa ang bilateral ties ng bansa.

Ito ay para maisulong ang common areas lalo na sa usapin sa trade and industry, agrikultura, technical cooperation at kapakanan ng mga residente.

Sa presentation ng credentials ni Namibia Non-Resident Ambassador to the Philippines H.E. Herman Pule Diamonds sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maraming maiaalok ang Pilipinas sa Namibia.

“What is left to us now is for us to find those complementarities. Those areas that we can help each other,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na matutulungan ng Pilipinas ang Namibia sap ag-develop sa sektor ng agrikultura lalo na at nasa bansa ang International Rice Research Institute.

May sarili rin aniyang rice institute at educational institutions ang Pilipinas na nagsasagawa ng research sa agriculture and agriculture development.

“So, there is a great deal of knowledge,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We take pride in the fact that many of the agriculturists and agronomists around Southeast Asia trained with us and we can claim credit for some of the success that they are enjoying now. So, I think that is something that we could certainly look into,” dagdag ng pangulo.

Sinabi naman ni Diamonds na interesaado ang Namibia sa kooperasyon sa Pilipinas.

Ikinukunsidera aniya ng Namibia ang pagpapalakas sa technical cooperation sa Pilipinas.

“So, my task is to see how we can perhaps, maybe turn this around and make most space for us to cooperate [in terms of] trade and investment. So, this is the reason why we are here … So, I was the one saying look here we have to diversify. And that is precisely what I’m looking at coming,” pahayag ni Diamonds.

“So, we are mostly in those areas. We also have the same challenges. As the Philippines [there are] technologies, which we do not have. So, this is also an area where we can see technical cooperation,” dagdag ng Ambassador.

Pinasalamatan din ni Diamonds ang pamahalaan ng Pilipinas sa pangangalaga sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers sa Namibia.

 

 

Read more...