Biktimang Pinoy sa fake Italian jobs dumami, ayon sa DFA

 

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na nabiktima ng mga pekeng trabaho sa Italy.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) may 60 katao pa ang humingi ng tulong sa Philippine Consulate sa Italy.

Nabatid na may tinutulungan na rin ang konsulado na mga unang biktima.

Sinabi ni DFA spokesperson, Ma.Teresa Daza, ang inireklamong kompaniya ay ang Alpha Assistenzia.

Aniya sa ngayon ay 221 na ang nagreklamong biktima.

Kamakailan, ipinahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na ilang kompaniya ang naniningil ng 3,000 euros o P180,000 na placement at consultancy fees.

Nadiskubre naman na ng ilang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na peke ang mga alok na trabaho.

Read more...