Gilas panalo kontra China sa Asian Games

 

Matapos ang 33 taon, balik ang Pilipinas sa Asian Games gold medal match na ginaganap ngayon sa China.

Ito ay matapos talunin ng Gilas Pilipinas ang China sa iskor na 77-76.

Umukit sa kasaysayan ang manlalarong si Justin Brownlee nang umsikor ng 33 na puntos, limang rebounds, at apat na assists.

Muli namang makakaharap ng Gilas ang Jordan sa Oktubre 6 para sa finals.

Ito ang unang pagkakataon na sasabak muli ang Pilipinas sa finals mula noong 1990 sa Asian Games na ginanap din sa China.

Dahil sa panalo kontra China, siguraddo na ang silver medal ng Pilipinas.

Read more...