242 barangays, election hot spots sa BSKE

 

Inilagay ng Commission on Elections (Comelec) sa kategoryang “areas of concern” ang 242 barangay kaugnay sa papalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ito ang pinakamataas na kategorya at nangangahulugan na maaring magkaroon ng karahasan kaugnay sa election, matindi ang labanan o may gumagamit na ng partisan armed groups (PAGs).

Maari din maging ugat ang mga ito na mailagay sa ilalim ng “Comelec control.”

Nabatid na sa naturang bilang, 147 barangays ang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kasunod ang 60 sa Western Visayas at 21 sa Bicol Region.

Read more...