Anim na pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar, sumuko na

 

Sumuko na sa mga awtoridad ang anim na pulis na sangkot sa pagkamatay ng 17-anyos na si Jemboy Baltazar.

Sumuko ang anim sa Criminal Investigation and Detection group sa Lucena City sa Quezon kahapon.

Sumuko ang anim matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Nvotas City Regional Trial Court Branch 286.

Matatandaang binaril si Baltazar ng mga pulis noong Agosto 2 habang may hinahabol na suspek ang mga ito.

Ayon sa kasamahan ni Baltazar, mangingisda lang sana sila nang mapagkamalang suspek ang kaibigan at barilin.

Dalawang tamas a ulo ang naging dahilan ng pagkamatay ni Baltazar.

 

Read more...