Bagyong Jenny, lalo pang lumakas; Signal No.3 nakataas sa Batanes

 

Lalo pang lumakas ang bagyong Jenny habang papalapit sa Orchid Island sa Southern Taiwan.

Base sa 5: 00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 140 kilometro sa hilaga  hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ang bagyo sa kanlurang bahagi sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hangin na 175 kilometro kada oras at pagbugso na 215 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa Batanes habang nasa Signal No. 2 ang hilagang bahagi ng Babuyan Islands.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa natitirang bahagi ng Babuyan Islands, hilagang bahagi ng mainland ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Gattaran), hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Flora), at hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, Dumalneg, Laoag City).

Bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

 

 

 

Read more...