Ito ang tahasang sinabi ni Willy Rodriguez, pangulo ng National Parents Teachers Association (PTA) sa kanyang reaksyon sa kaso ni Francis Jay Gumikib, 14, Grade 5 pupil na diumano’y sinampal at sinabunutan kanyang teacher na si Mirasol Sison sa Peñafrancia Elementary School sa Bgy Mayamot. Ayon sa kanyang inang si Elena Mingoy, nagkaroon ng “brain hemorrhage” ang kanyang anak at binawian ng buhay labing-isang araw makaraan ang insidente.
Sa aking interview sa Radyo Pilipino, sinabi ni Rodriguez na laganap sa buong bansa ang mga kasong pananakit ng mga teacher, pero ang nakakalungkot ay itinatago ito at kino-cover-up ng mga eskwelahan at ng division group sa Dep-ed. “Sa totoo lang, kapag nag-aral ka sa mga public schools ngayon, wala kang karapatang magreklamo”. “Aabutin ka ng limang taon, at aapihin ka ng mga principal teacher at kamag-anak incorporated nila”. “Sa kaso nitong namatay na Grade 5 pupil, kahit “criminal case “na ito, mangyayari din ang “cover-up”.
Binanggit din ni Rodriguez ang mga insidente kung saan pitong babaeng estudyante na ginahasa ng kapatid ng isang teacher sa Bataan. Isa pa rito ang panggagahasa sa dalawang atleta ng Palarong Bansa na taga Olongapo at Pasay na parehong ni-rape ng dalawa nilang teacher mula Taguig at Cebu. Meron ding isang bata sa Pangasinan na sinakal ng kanyang teacher matapos ireklamo na ginagastos ng principal ang PTA funds. Kahit nakarating sa Malakanyang ang reklamo, pagdating sa Division level ay wala ring nangyari.
Ang umiiral kasing patakaran ay nagkakampihan ang mga public school at Dep-Ed division level upang itago ang kanilang reklamo dahil maaapektuhan ang “points system” ng kanilang organisasyon. “Kaya walang nangyayari sa imbestigasyon lalo na kung ito ay gagawin ng Division level” na ginawa nang kaharian ng mga tiwaling principal, teachers at division heads.
Nanawagan si Rodriguez kay Vice President Sara Duterte na magbuo ng makatotohanang “INVESTIGATION GROUP’ sa loob ng Dep-Ed Central office at huwag nang ipasa ang pagsisiyasat sa mga division heads at itigil na rin ang pagbuo ng “fact finding investigation” na ang dulo nito ay “cover-up” lamang.
Sa totoo lang, talagang malaking problema ito na dapat aksyunan ni VP Duterte. Dito niya dapat ibuhos ang kanyang “confidential funds”. Sinu-sino itong mga principal, teacher, division superintendent na nagkukuntsabahan para itago ang kanilang mga krimen sa public schools? Isipin niyo, mismong National Parents Teachers Association na ang nagrereklamo sa laganap na pananakit, panggagahasa at ngayo’y pagpatay sa mga estudyante sa public schools, pero wal pa ring nangyayari? Nakakahiya ito under your watch, VP Sara!
TITLE: SCAM WATCH: Magdamot, magduda, mang-isnob at magsumbong kapag online
Upang proteksyonan ang mga sarili laban sa “online scam”, tandaan lagi ang apat na paraan upang baguhin ang inyong “bad habits” habang gumagamit ng “internet”. Ayon sa Scam Watch Pilipinas, isang national cybersecurity movement na kasamang binuo ni Jocel De Guzman ng TRUTH 360, ang apat na ito ay MAGDAMOT, MAGDUDA, MANG-ISNOB AT MAGSUMBONG.
MAGDAMOT- huwag na huwag magbigay p magpautang ng pera online sa mga taong di mo kilala o bagong kaibigan lamang. Karamihan ng mga mensahe sa emails-SMS o social media na nanghihihingi ng pera ay mga “scam”. Ang Pinakamabuti, maging madamot pagdating sa “online”.
MAGDUDA -Laging maghinala (Always be suspicious and never immediately trust “too good to be true offers” in messages, emails, and social media. Double check and always verify authenticity of the sender before giving out personal information.
MANG-ISNOB- Maging suplado at huwag pansinin ang mga mensahe sa SMS, E-mail, social media lalo na sa mga babala o banta mula sa mga bangko, financial institutions o e-commerce lalo nat wala ka namang transaksyon sa kanila. Itago ang mga number ng inyong pamilya, kaibigan, at kasamahan at wag na wag sagutin ang mga di kilalang SMS o telepono.
At MAGSUMBONG- Ireport ang mga scam sa Inter-Agency Response Center (I-ARC) Hotline 1326. Ang iba pang mga numero nila ay 0947-714-7105 (SMART), 0966-976-5971 (Globe), and 0991-481-4225 (DITO). O sundan sila sa Scam Watch Pilipinas sa Facebook.
Ang apat na kaugaliang ito ay tinatawag na “KontraScam Attitude”- isang malakas na depensa natin para hindi tayo mabiktima ng mga online scam. Salamat sa Scam Watch Pilipinas na binuo sa tulong ng Department of Information Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) bilang kabisig ng gobyerno upang turuan ang mga kababayan natin laban sa mga anomalya sa internet.Kaya panghuli, tandaan natin palagi: Magdamot, Magduda, Mang-isnob at Magsumbong kapag naka-online.
(end)