Drag Queen Pura Luka Vega inaresto sa Maynila

 

(Courtesy: MPD)

Inaresto ang kontrobersiyal na drag artist na si Amadeus Pagente ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz, Manila kaninang hapon.

Isinilbi kay Pagente alias Pura Luka Vega, ang warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Czarina Villanueva, ng Manila RTC Branch 36.

Inaresto siya sa kanyang bahay sa Hizon St., Barangay 339 sa Sta. Cruz alas-4:10 kaninang hapon.

Nabatid na kawani ng Department of Health (DOH) si Pagente.

Lilitisin ni Pagente sa mga kasong immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows alinsunod sa Revised Penal Code.

Nagtakda ng P72,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Naging kontrobersiyal si Pagente nang maging viral sa social media ang video kung saan siya napanood na sumasayaw sa saliw ng “Ama Namin” at mistulang Nazareno.

 

 

 

 

Read more...