Hiniling ni Senator Sonny Angara na maimbestigahan sa Senado ang mga reklamo ng Filipino Muslims laban sa National Council on Muslim Filipinos (NCMF).
Sa inihain niyang Senate Resolution No. 768, sinabi ni Angara na panagunahing reklamo ng Muslim pilgrims sa Hajj ay ang mababang klase ng pagtrato sa kanila ng Bureau of Pilgrimage and Endowment ng NCMF.
Anila pangit ang ibinigay na serbisyo ng BPE sa mga sumama sa pllgrimage sa Mecca ngayon taon.
Kabilang sa mga nagreklamo si Sulu Vice Gov. Abdusakur Tan II at aniya limitado at overcrowded ang transportasyon, sobra ang init gayundin sa kanilang tinuluyan.
Inireklamo din nila ang mga pagkain na isinilbi sa kanila.
“Hindi lang ngayon na nagkaroon ng mga ganitong klaseng reklamo mula sa mga kapatid natin na Muslim na pinaghandaan ng matagal na panahon ang paglahok sa isa sa pinakaimportanteng pillars ng Islam na ang Hajj,” ani Angara.