Palalakasin pa ng Pilipinas at Guatemala ang ugnayan sa agrikultura, climate action at people-to-people relations.
Sa pagprisinta ng credentials ni Guatemala Non-Resident Ambassador Manuel Estuardo Roldán Barillas kay Pangulong Marcos Jr. sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na halos magkapareho ang Pililinas at Guatrmala kung pag-uusapan ay ang pagsusulong ng mga hakbang para lagpasan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura lalo pa at halos pareho aniya ang mga uri ng pananim na pinalalago ng dalawang bansa. Pareho rin aniyang naghahanap ng mga paraan ang Pililinas at Guatemala para labanan ang epekto ng climate change. “Climate change is becoming an incredibly important part of everything that we do because we certainly find that any discussion in terms of government and administration, we always, in the end, have to look at the subject of climate change,” pahayag ni Pangulong Marcos. Ayon sa Pangulo, dapat din tutukan ang iba pang larangan tulad ng pagpapahusay sa mga proyektong pang imprastraktura at enerhiya sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy. Sa panig naman ni Barillas, sinabi nito sa Pangulo na isang malaking karangalan na makabisita sa Pilipinas sa unang pagkakataon at makaharap niya ito. Ayon kay Barillas, hanga siya sa pagsisikap ng Pangulo na mapalago ang service sector at kung papano nito pinangangalagaan ang mga mangaggawa sa labas ng bansa. “I can see at the outset, that I want to express my admiration for your efforts concerning the service sector of your economy and how you take care of your workers outside the Philippines,” pahayag ni Barillas.MOST READ
LATEST STORIES