Napanatili ng Bagyong Jenny ang lakas habang kumikilos sa hilaga hilagang-kanluran ng Philippine Sea.
Base sa 5:00 p.m. advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 325 kilometro silangan hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 155 kilometro kada oras at pagbugso na 190 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes.
Nakataas ang Tropica; Cyclone Wind Signal No. 1 sa Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Dinapigue, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Quirino, Delfin Albano, Quezon, Mallig), Apayao, hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong), hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk), at Ilocos Norte.
Sa Oktubre 6 inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.