Dagdag buwis sa junk foods at sweet drinks pag-aralan muna hirit ni Tulfo
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Hinimok ni Senator Raffy Tulfo ang Department of Finance (DoF) na pag-aaralan muna ang binabalak na pagtaas sa mga buwis sa junk foods at sweetened beverages.
Nilinaw ni Tulfo kay Finance Sec. Benjamin Diokno ang sinasabing plano sa pagdinig sa Senado sa 2024 budget ng kagawaran.
Ayon kay Diokno ang pagpapataw ng buwis sa tinatawag na “salty and sugary products” ay pinag-aaralan pa lamang at wala pang panukala ukol dito.
Sinabi ni Tulfo na dapat pag-isipan ng husto ang plano dahil aniya ang tatamaan na naman ay ang mga mahihirap, na dahil sa kakapusan ng pera ay nag-uulam na lamang ng chichirya.
Paliwanag pa ng senador kapag siningil ng karagdagang buwis ang manufacturers, ang dagdag nilang gastos ay ipapasa naman sa kanilang konsyumer.
Hirit pa nito sa DOF, dapat ay isipin palagi ang mga mahihirap kung may balakin na magdagdag ng buwis sa mga produkto o serbisyo.