Suspek sa pagpatay sa OFW sa Saudi Arabia, naaresto na

 

Naaresto na ng mga awtridad ang suspek sa pagpatay sa isang overseas Filipino worker na natagpuang patay at sinaksak sa Saudi Arabia.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes, na kasamahan sa trabaho ng 32 anyos na OFW na si Marjorette Garcia ang suspek.

Gayunman, hindi tinukoy ni Cortes ang pagkakakilanlan ng suspek.

Ayon sa opisyal, hindi Filipino kundi ibang lahi ang suspek.

Patuloy aniyang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Saudi Arabia ang insidente.

Kapag natapos aniya ang imbestigasyon ay saka magpapalabas ng documentation ang Saudi authorities para maiuwi ang labi ng biktima sa Pilipinas.

Sa ngayon,  sinabi ni Cortes na nagtutulungan na ang Department of Migrant Workers at mga tauhan ng Al Khobar pati na ang DFA para mabigyan ng tulong ang pamilya ng biktima.

Tiniyak din ni Cortes na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Garcia.

Read more...