Batuan, Masbate niyanig ng 4.8 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang Batuan, Masbate kaninang 5:30 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 14 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Masbate City, at Milagros.

Naramdaman ang Intensity IV San Fernando at Intensity III sa Legazpi Albay at sa Palanas, Masbate.

Naramdaman ang Intensity II sa Irosin, Sorsogon.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...