Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kung magkakaroon ng batas ukol sa alokasyon ng confidential and intelligence funds dapat ay isama ang mga lokal na pamahalaan.
Ang pahayag ay reaksyon ni Zubiri sa naunang ibinahagi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na maghahain siya ng panukalang batas ukol sa sinasabing “secret funds.”
Sinabi ni Pimentel na sa kanyang panukala, ilang ahensiya lamang ang dapat na mabibigyan ng CIF.
“Actually maganda po yan. Pero that can be controversial. What about the LGUs kasi kung tinignan nyo po ang LGUs, halos lahat ng LGUs may confidential fund(s). Tignan nyo mga cities lahat po yan may confidential funds,” ani Zubiri.
Katuwiran pa ni Zubiri mas mahirap mabantayan ang confidential funds ng LGUs dahil ito ay 90 porsiyento ng kanilang budget.