Magpapatupad ng panibagong dagdag sa presyo ng mga produktong langis ang mga kumpanya ngayong araw ng Martes, June 28.
Magtataas ng 65 sentimos sa kada litro ng gasolina ang Total, Petron, PTT, SeaOil, Phoenix, Eastern at Shell, habang 40 sentimos naman sa kada litro ng diesel, epektibo alas-6:00 ng umaga.
Dagdag 35 sentimos naman sa kada litro ng kerosene sa SeaOil at Shell ang ipapatupad ngayong araw sa parehong oras.
Samantala, mas maagang nagpatupad kaninang 12:01 ng hatinggabi ang Flying V, at mas mataas ang kanilang dagdag sa presyo na nasa 75 sentimos kada litro ng gasolina pero 40 sentimos rin lang naman ang dagdag sa diesel.
Ipinagtataka ng iba ang pagtaas ng presyo gayong inaasahan ang pagbaba nito dahil sa pag-alis ng Britain sa European Union, ngunit ang paliwanag ng mga eksperto, posibleng sa susunod pa ito mararamdaman sa Pilipinas.