Pangulong Aquino, excited nang umuwi sa Times St.

 

Richard Reyes/Inquirer

Uwing-uwi na umano si President Benigno Aquino III sa oras na matapos na ang kanyang termino sa June 30.

Sa kanyang pagbaba sa puwesto, babalik si Pangulong Aquino sa No. 25 Times St., na tirahan ng kanyang pamilya simula pa noong 1961.

Sa panayam ng Inquirer kamakailan, binalikan ni Pangulong Aquino ang mga alaala ng kanilang pamilya sa naturang tahanan.

Marami aniyang masasayang pangyayari sa kanilang buong pamilya na nabuo sa loob ng naturang tahanan.

Bago pa man siya umuwi, pinangunahan na ng kapatid ni Pangulong Aquino na si Pinky Abelleda ang renovation at remodeling ng naturang bahay.

Simula nang ito’y i-remodel, hindi pa nakikitang muli ng Pangulo ang kanyang tirahan na babalikan sa huling araw ng kanyang panungungkulan.

Kay Pangulong Aquino ipinamana ni dating Pangulong Corazon Aquino ang bahay sa Times St., nang sumakabilang-buhay ito sa sakit na colon cancer noong 2009.

Read more...