Aquino sisters imbitado, ngunit hindi dadalo sa Robredo oath-taking

 

Inquirer file photo

Hindi dadalo ang mga kapatid ni outgoing President Noynoy Aquino sa inagurasyon ni incoming Vice President Leni Robredo sa June 30.

Ayon kay Georgina Ann Hernandez, isa sa mga tagapagsalita ni Robredo, hindi niya alam kung ano ang dahilan ng hindi pagdalo ng mga kapatid ng pangulo sa oath taking ng vice president elect.

Ngunit sa kanyang palagay aniya, maaaring mas gustong samahan ng presidential sisters ang pag-alis ni PNoy sa Malacañang. Si pangulong aquino ay present sa inagurasyon ni President Elect Rodrigo Duterte dahil na rin sa magaganap na turnover.

Dagdag ni Hernandez, posibleng mas gustong samahan ng presidential sisters ang kanilang kapatid na babalik na sa pribadong buhay.

Ang apat na kapatid ni PNoy na sina Ballsy, Pinky, Viel at Kris ay naging aktibo sa pagkakampanya kay robredo sa katatapos lamang na eleksyon.

Naging top contributor pa si Kris sa campaign ng vice president elect kung saan aabot sa 30.8 million pesos ang kanyang donasyon.

Samantala, ang katandem ni Robredo na si Liberal Party standard bearer Mar Roxas at ang kanyang pamilya ay wala pang kumpirmasyon kung dadaluhan ang inagurasyon ni robredo kahit pa nagbigay na ang kampo ng incoming vice president ng imbitasyon.

Read more...