Marcos: Korupsyon sa food stamp program, walisin

 

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga tanggapan ng gobyerno na walang bahid ng anomalya ang pagpapatupad ng “Walang Gutom Food Stamp” program.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng electronic benefit transfer card sa mga benepisyaryo ng food stamp program sa Siargao, Surigao del Norte, ito ay para masiguro na walang bahid ng anomalya ang pamamalakad sa programa.

Apela ni Pangulong Marcos sa mga  benepisyaryo, huwag sayangin ang ang EBT card.

Sinabi rin ni Pangulong Marcos kung may natutunan ang lahat sa food stamp program na unang inilunsad nitong nagdaang Hulyo, ito ay ang  pantay na suplay at kalidad ng pagkain.

Ayon sa Pangulo, hindi lamang dapat  sapat ang suplay ng pagkain, kundi dapat ding ikonsidera na masustansya ito,  kumpleto at balanse  para matiyak  na hindi lamang busog kundi malusog, masigla at malakas ang mga makatatanggap ng programa upang  magampanan ang kanilang tungkulin sa araw-araw.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng programang ito, walang Filipino ang magugutom at lahat aniya ay produktibo  at may positibong pananaw sa buhay.

Personal na sinaksihan at ininspeksyon ni Pangulong Marcos ang paggamit ng EBT cards na may laman na P3,000 na gagamitin sa pagbili sa mga masustansyang pagkain.

 

Read more...