Duda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pakikipagkaibigan ng China sa Pilipinas.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, tanong ni Pangulong Marcos kay Chinese Ambassador Huang Xilian kung totoo ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ipinatawag kamakailan ni Pangulong Marcos si Huang para alamin ang panggugulo ng China sa West Philippine Sea.
Buong akala kasi aniya ni Pangulong Marcos na kaibigan ang China.
Sabi ni Bersamin, pinag-aaralan na rin ngayon ng pamahalaan ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China matapos ang inilagay na floating barriers sa Bajo de Masinloc.
“This is the position that the government will take, most likely. We have always conducted our relations sa foreign policy natin as diplomatic, strictly diplomatic tact. Wala tayong aggressiveness, aggression or not. Whether we will file another case against China is one of the options. I think our lawyers are seriously giving this a study. It might be, most very probably. Very probably. We are not going to say definitely we will,” pahayag ni Bersamin sa panayam ni Ka Tunying.