Peace education sa barangay gusto ni Interior Sec. Benhur Abalos

Inanunsiyo ni Interior Secretary Benhur Abalos na isusulong niya na magkaroon ng “peace education” sa mga barangay.   Sabi pa niya na ito ay magiging isa sa mga “criteria” sa pagbibigay ng Seal of Good Local Governance (SGLG) awards sa mga lokal na pamahalaan. Ibinahagi ng kalihim na nabanggit na niya ito sa Office of the Presidential Adviser of Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at nakapaloob dito ang training program na pangungunahan ng kagawaran sa pamamagitan ng kanilang Local Government Academy (LGA). Aniya sisimulan ito pagkatapos ng nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataang elections (BSKE). Samantala, nagpahayag na ng suporta sa plano si  Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Carlito Galvez, Jr., sa pagsasabing napakahalaga ng ugnayan sa mga pambansang ahensiya gaya ng DILG para mapagtibay pa ang “peace education.” Nabanggit ni Galvez na maaring isa mga maging daan para maisama ang “peace education” sa mga itinuturo sa mga paaralan alinsunod sa peace and order campaign ng administrasyong-Marcos Jr.

Read more...