Pagsuspendi ni Pangulong Marcos sa “pass-through fees” sa mga sasakyang may dalang kalakal, ikinatuwa ng mga suppliers

 

Malaking tulong sa mga biyahero ng gulay at iba pang kalakal ang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspendihin ang “pass-through fees.”

Ayon kay Rocky Bautista, isa sa mga nagsusuplay ng gulay sa Divisoria, Manila, malaking tulong ito dahil bawas gastos kasi ito sa kanilang hanay.

Sabi ni Bautista, dahil sa utos ni Pangulong marcos, tiyak na bababa ang presyo ng mga paninda sa merkado.

Hindi na kasi aniya nila ipapasa sa mga consumer ang gastos habang ibinibayahe ang mga paninda.

Inihalimbawa ni Bautista na sa parking fee lamang sa Divisoria, P1,200 na ang singil sa kada tatlong oras na pagparada ng sasakyan.

Umaasa naman si Bautista na magtutuloy-tuloy na ang pagsuspendi sa “pass-through fees” sa mga sasakyan na may dalang kalakal.

Kasama sa mga pinasuspendi ni Pangulong Marcos ang koleksyon sa sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees, mayor’s permit fees at iba pa.

 

 

Read more...